LOVELIFE?
Hala, ano yun? Mas
pinoproblema ko pa ‘yan kaysa sa mga school stuff. At hindi ko din alam kung
bakit. Ang hirap, ang sakit. Ganito pala ‘yun. Yung nagmahal ka at natuto ka ng
maraming bagay, pero hindi mo alam kung may kasiguraduhan. Sabagay, kaka-ibang
relasyon kasi ang pinasok ko. Hindi normal at lalong hindi tanggap ng
nakararami.
Ano nga ba ang pagmamahal? - Hindi ko din
alam.
Pero para sa akin, pag may mga bagay akong
nagawa na hindi ko alam na kaya ko palang gawin, pagmamahal na ‘yun. Sabi nga
ng professor namin, nasa panahon na tayo ng post modernism – there is no absolute truth. Hindi mo
malalaman ang ibig sabihin ng pagmamahal kung hindi mo pa ito nararanasan. At
hindi mo din masasabi kung pagmamahal na nga ito kung wala kang nararamdaman.
The
Physicist
Love is Chemistry
Biologically,
love is a powerful neurological condition like hunger or thirst, only more
permanent. We talk about love being blind or unconditional, in the sense that
we have no control over it. But then, that is not so surprising since love is
basically chemistry. (Al-Khalil, 2012)
“Neurological condition” – Ang lalim naman.
Utak naman talaga nagdidikta sa tao kung anu ang mararamdaman niya. Sinasabi
lang natin na “Mahal na mahal kita from the bottom of my heart.” Pero sa
hypothalamus nanggagaling yung mga ganito nararamdaman natin, at ito ‘yung
parte ng utak natin na nagre-release ng hormones.
The
Psychotherapist
Love has many guises
Unlike
us, the ancients did not lump all the various emotions that we label
"love" under the one word. They had several variations: Philia, Ludus, Pragma, Agape, Philautia, and Eros. (Perry, 2012)
Pragma is the mature love that
develops over a long period of time between long-term couples and involves
actively practising goodwill, commitment, compromise and understanding. (Perry,
2012)
Hindi ko alam kung mature na ba ako pag dating
sa pakikipag-relasyon. Pero tulad nga ng sabi ko, marami na ‘kong nagawang
bagay na hindi ko akalaing kaya ko at magagawa ko. At lalong hindi ko alam kung
mature love ba ang mayroon kaming dalawa.
The
Philosopher
Love is a passionate commitment
The
answer remains elusive in part because love is not one thing. Without the
commitment, it is mere infatuation. Without the passion, it is mere dedication.
Without nurturing, even the best can wither and die. (Baggini, 2012)
Commitment? Sa totoo lang, nakipagrelasyon ako
ng hindi malinaw sa’kin ang ibig sabihin ng commitment.
Passion? -- A
powerful emotion, such as love, joy, hatred, or anger.
Actually, sexual desire ang naiisip ko pag naririnig ko ang salitang ito. Pero
siguro ang pagmamahal ay unconditional.
The
Romantic Novelist
Love drives all great stories
Love
is the driver for all great stories.. What separates you from love, the
obstacles that stand in its way. It is usually at those points that love is
everything. (Moyes, 2012)
Marami na ‘kong nagawa, mabuti at masama.
Nagawa ko kasi kaya ko, nagawa ko kasi gusto ko, at nagawa ko dahil nagmamahal
ako. At marami pa kong nagagawa at gagawin dahil sa nararamdaman ko.
The Nun
Love is free yet binds us
Love is more easily experienced than
defined. The
paradox of love is that it is supremely free yet attaches us with bonds
stronger than death. It cannot be bought or sold; there is nothing it cannot
face; love is life's greatest blessing. (Wybourne, 2012)
Para sakin, tama naman yung mga nabanggit. Maraming
depinisyon ng pagmamahal. Depende sa taong nakakaramdam nito at kung para
kanino o san niya ito nararamdaman. Maraming ibig-sabihin at marami ring paraan
para masabi na pagmamahal na ang nararamdaman ng isang tao.
“Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not
boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not
self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in
evil but rejoices with the truth.
It always protects, always trusts, always hopes, always
perseveres.” - 1
Corinthians 13:4-7
‘Di ko ba talaga alam kung bakit ito yung
napili ko. Pero ito kasi yung alam kong makaka-relate ako at marami kong
masasabi, at malalaman kung bakit ganito yung nararamdaman ko. ‘Di ko na nga
naiisip sarili ko. Sa ngayon, malabo pa din. Pero alam ko, darating din yung
araw na maiintindihan ko ang mga bagay bagay.
SOURCES: