Wednesday, March 5, 2014

ISIP BATA

Ako ay may lobo

Ako ay may lobo
Lumipad sa langit
'Di ko na nakita
Pumtok na pala

Sayang ang pera ko
Binili ng lobo
Sa pagkain sana
Nabusog pa ako


Sinu ba naman ang hindi makaka-alam ng tula o kantang “Ako ay may lobo.” Halos lahat tayo ay kinakanta ito noong bata pa lamang tayo. 


Sa kabilang dako, ayon sa teoryang Pormalismo, na nagpapaliwanag ng mga akda batay sa pagkakabuo nito. Sa tulang "Ako ay may lobo," ito ay tumutukoy sa isang tao partikyular na ang bata. Siya ay may lobong hawak na nabitawan niya sa anumang kadahilanan. Nang ito ay lumipad, ito ay umangat papuntang langit hanggang sa hindi na niya ito nakita dahil ito ay pumutok na pala. Siya ay nanghinayang sa nangyari, na sana ay pagkain na lang ang kanyang binili imbis na lobo, na sana ay nabusog pa siya.

Lahat tayo ay nakakita o nakawak na ng lobo noong bata pa lamang tayo. At lahat tayo ay manghihinayang kung ang lobo natin ay mabibitawan natin at lilipad lamang sa himpapawid. Kaya minsan, may mga bagay na hanggat nasa atin pa, ito ay ating pahalagahan. Dahil hindi natin alam kung kailang at paano ito mawawala sa atin. At tayo ay magsisisi sa huli. 

No comments:

Post a Comment