Wednesday, March 5, 2014

ISIP BATA

Ako ay may lobo

Ako ay may lobo
Lumipad sa langit
'Di ko na nakita
Pumtok na pala

Sayang ang pera ko
Binili ng lobo
Sa pagkain sana
Nabusog pa ako


Sinu ba naman ang hindi makaka-alam ng tula o kantang “Ako ay may lobo.” Halos lahat tayo ay kinakanta ito noong bata pa lamang tayo. 


Sa kabilang dako, ayon sa teoryang Pormalismo, na nagpapaliwanag ng mga akda batay sa pagkakabuo nito. Sa tulang "Ako ay may lobo," ito ay tumutukoy sa isang tao partikyular na ang bata. Siya ay may lobong hawak na nabitawan niya sa anumang kadahilanan. Nang ito ay lumipad, ito ay umangat papuntang langit hanggang sa hindi na niya ito nakita dahil ito ay pumutok na pala. Siya ay nanghinayang sa nangyari, na sana ay pagkain na lang ang kanyang binili imbis na lobo, na sana ay nabusog pa siya.

Lahat tayo ay nakakita o nakawak na ng lobo noong bata pa lamang tayo. At lahat tayo ay manghihinayang kung ang lobo natin ay mabibitawan natin at lilipad lamang sa himpapawid. Kaya minsan, may mga bagay na hanggat nasa atin pa, ito ay ating pahalagahan. Dahil hindi natin alam kung kailang at paano ito mawawala sa atin. At tayo ay magsisisi sa huli. 

Wednesday, February 19, 2014

Gala ba kamo?

Tara na sa Intramuros..


Manila Cathedral


Angels up above


Magkaibigan





Kapag kasama sila, kahit simple lang masaya naman.




Pintong Postigo


Sa ngayon, hindi ko kailangan ng ka-relasyon para maging masaya. 


Kapag ako ay mayroon problema, sila ang nalalapitan ko. Magkakaiba man kami ng ugali, nagkakasundo naman kami sa mga bagay-bagay na kami lang ang nakakaintindi. 




Masaya ako na nasa buhay ko sila. Sana, hindi matapos o masira ang pagkakaibigan at samahan namin. Kapag kasama ko sila, nagagawa ko ang gusto ko, napapakita ko kung sinu talaga ako. 

Photo by Reseline Banua

At tanggap nila na ganito ako.




Gutom ka na ba? Mayroon free extra rice. Kain na sa Patio de Conchita.


Wednesday, January 29, 2014

Ride with my father

January 26, 2014 at Animal Trail Marikina Riverside


Responsable at mapagmahal na ama kasama ang kanyang anak sa umaga na ginagabayan sa kanyang tinatahak.

Wednesday, January 22, 2014

el-ar-ti

Wala ng paliguy-liguy pa. Diretsong usapan.

Tataas daw ang bayad sa LRT. At yung totoo, hindi ko maintindihan kung bakit tataas ang bayad. Basta ang alam ko lang, tataas ito.

Estudyante pa lang ako, pinag aaral at pinagkakasya ko lang ang baon ko. Tapos itataas pa ang bayad sa LRT. Diba, kaya nga mayroong LRT ay para sa tao. Para sa convenience at sa ika-titipid ng mga pasahero. Tapos magtataas kayo?

Magtataas kayo, pero hindi naman maayos ang serbisyo niyo. Matagal dumating ang next train, mas matagal pa pag akyat at baba ko sa platform. Mahaba ang pila sa bilihan ng ticket. Madaming ticket machine, hindi naman gumagana lahat. Ang arte pa sa pagpili ng coins na tinatanggap, daig pa tao. Kung magtataas ang bayad sa LRT, madaming mapipilitan mag-commute gamit ang mga bus o dyip. Isa na ako dun.



Sana, wag na itaas ang bayad. Kung kaya naman solusyunan kung anung problema nyo, gawin nyo. Maraming tao ang mahihirapan lalo na ang mga estudyante na pasehero nito. At sana, maging maayos na ang serbisyo niyo para sa mga paseherong tulad ko.


Tuesday, January 7, 2014

Video Blog

Origami - Another part of me

It's a CUBE ROSE



My first video blog. Medyo fail, first timer po kasi.