Saturday, December 7, 2013

When I woke up..

Military Officer

I miss Him

Nagalit sya kagabi, for some reason. And masyado na kong nagtitimpi. Lahat na naipon sa dibdib ko. Sabi nya, ayaw nyang sumama loob ko, pero sa mga ginagawa nya at pinaparamdam nya sakin, umaapaw na yung galit sa puso ko. Nagsulat ako ng letter sa kanya last night. Nabasa nya, nila ni mommy. As early as or almost 9pm, natulog na ko. Ayokong madatnan nila kong gising after kong gawin yung letter. Kaya yun, maaga ko natulog.

Nagising ako around 2am, feel ko si mommy yung tumatabi sakin.. Pero di ako dumilat, kasi baka mali ako. At NATATAKOT akong dumilat. :( Before mag 5am, tinatabihan nya ko at ginigising, pero di ako umi-imik. Tinatanggal nya yung unan kong yakap, yung kumot ko.. Gusto nya daw ako makausap. Eh AYAW KO!

Habang kinukulit nya ko para maka-usap.. Sa isip-isip ko..

Shet!! Anu yung panaginip ko? NAKALIMUTAN ko.. (pilit kong inalala, pero dahil nangungulit sya.. WALA) Ang gulo mo daddy, may homework ako. Kung anu una ko maisip, kelangan kong i-type at i-post yun sa blog. ALANGAN NAMAN ETO ILAGAY KO. ASAR! Pero wala, makulit ka. Sige, eto na ilalagay ko sa blog. Bahala na, homework pa din to. Kung anu na lang mangyayari, yun na lang ilalagay ko..

Anu? Gusto mo ko ngayon kausapin? Para san pa? Wala naman magbabago. Ikaw pa din ang batas ng bahay na ‘to. Anak mo lang ako, at wala akong karapatan magreklamo. IKAW LANG. Bat mo ko kakausapin, kasi medyo totoo ba yung nasa letter ko? Yung sinabi o tungkol sayo..? Wala tayo sa PLM or sa MARAGTAS. Daddy kita, di kita officer. ANAK mo ko, di mo ko kadete.

Di ko talaga sya pinansin. Ayoko. At tumigil naman sya sa kaka-kulit. Kasi kelangan na nya magprepare for work.

Namimiss ko na sya. Namimiss ko na yung DADDY ko. Hindi yung daddy na nakakasama ko ngayon..

After nun, tinignan ko agad yung phone ko, 4:53 am pa lang. Ang aga pa, gusto ko pa matulog. PERO may nakita ako.. Nagtext sya (Yab ko).. 3 messege.. Binasa ko, kahit antok na antok pa ko. Wala eh, labs ko eh. LOL! Di ‘to kasama.. LANDI LANG ‘TO. Pero napangiti nya ko sa text nya kahit paano. Matagal din since nung last na tinext nya ko ng ganun.Kahit papaano, nabawasan yung sakit na nararamdaman ko sa daddy ko. :(

Akala ko, ang una kong maiisip.. Kung panu ko sya maibabalik. Pero di yun dapat pinaplano. Dahil kung kami, kami talaga. At darating din yung araw na magku-krus ang landas namin. Di man kami “Okay” ngayon, but someday.. We will. At alam ko, darating din yung araw na yun..


Anyway, maaga pa.. So, matutulog ulit ako. 

7 comments:

  1. Hi Aura! Whatever your problem with your daddy is, sana maaayos niyo asap. I'll be praying for you, sleep well tonight. :)

    ReplyDelete
  2. Yeah Aw. Maswerte ka kasi anjan ung daddy mo for you. Open kayo sa isa't-isa kasi nagagawan mo xa ng letter at pinapakinggan nya yun (the reason kung bakit ka nya gustong kausapin asap) So be grateful na lang.They could be really irritating most of the time for us, pero they're still our parents at sila lang ang tatanggap sayu ng buong buo. Drama ko. HAHA. labyu Aw :*

    ReplyDelete
    Replies
    1. oonga Jow! Drama mo. :) Nagpapansinan na kami kahit papaano. Pero di nila ino-open yung tungkol sa letter. Normal lang. Patay malisya na lang. -___- Labyu too Jow! Hug ko bukas.. >>:(<<

      Delete
    2. Nakangiti ako habang binabasa to :) nakakatuwa kasi naiimagine kitang magkwento pero this time about naman sa parents, FAMILY mo. Hindi puro...hehe LABYOO! <3

      Delete
  3. Bet ko yung sinabi ni giselle wahahaha! Peace! =)))) Pray ka lang, aura! Lilipas din yan! >:)< Dito naman din kami for you!!

    ReplyDelete
  4. Awwww.....
    Everything will be okay, Au.

    ReplyDelete